Join MultiplyOpen a Free ShopSign InHelp
MultiplyLogo
SEARCH

VideoNov 23, '09 7:54 PM
for everyone
ako na siguro ang pinakagagang beki sa balat ng earth. adiktus ako ngayon mag O Bar Malate mapakinggan lang tong song na to ni Lady Gaga. Samantalang dance dance ang mga beki e mega cry naman daw ako sa dance floor. Nobody understands me like Lady Gaga does. Winner ang ever recurring motif niyang all consuming love to the point of willing the beloved to die. Love is a wish for destruction, sey nga ni lola Neil Garcia, which is to say I want you to return to me a palm held tightly in the palm of my hand.



Download this and other original video files with Multiply Premium.

Blog EntryNov 6, '09 9:05 AM
for everyone
"Ok lang ba sa 'yo tatlo tayo?" sey ni hotmorayta sabay turo sa julaking nagyoyosi sa katapat na tindahan.

"Parang kilala ko yan," sey ko sabay talukbong ng ulo. May hood ang suot kong shirt na ninenok pa ke insan, "taga san ba yan?"

"Taft."

"Ahh." Para naman daw akong nabunutan ng tinik sa lalamunan. Taga Espanya ang kilala kong kamuka niya pag malayuan. "Wait, yosi lang ako," patuloy ko, hoping na sabayan sa paninigarilyo si julaki nang makilatis nang malapitan, siya namang lapit ng huli sa kinauupuan naming bangketa ni hotmorayta.

"Bawal magyosi sa loob," sey ni hotmorayta na napansin ko ang biglang pag-itsa ng kilay sabay busangot.

Kinilatis ko nang maigi ang hilatsa ng pagmumukha ng dalawa. Mukang beking undin si hotmorayta, walang hotness in him at about him. Muka namang mapait si julaki na beking beki ang sandals at naka colorful golfer pants, para lang nakalaklak ng sambasong shomod ng greatest manginginom on earth.

"Tara sa loob," anyaya ni hotmorayta.

Nauna siya, to the follow kami ng julaki. Malaking dormitoryo iyon. Nilagpasan namin si manong guard na mukang pinatay ng malisya. Sa second floor lobby nadaanan namin ang isang mashondang couple, maaaring binibisita ang junakis na nakatira sa dormitoryong iyon.

Tatlong bed ang nabungaran namin sa silid ni hotmorayta.

"Baka may pumasok, " sey ko.

"Ako lang dito," aniya. Mayaman si becks. Me aircon ang room. Agad siyang naglabas ng lube at condom.

Naupo ako sa kaliwang dulo. Sa kanang dulo naman naupo si julaki. Hinihintay namin ang cue ni hotmorayta, ang pasimuno't punong abala. Pinatay ni hotmorayta ang ilaw, showtime na itey. Naghubo si hotmorayta, to the follow si julaki. Naghubo na rin akiz puwera sa short. Nagsimulang magbate ang dalawa, naghihintay ng magkakawang gawa sa kanilang mga tangan. Watch watch naman daw akiz.

Kanina ko pa napapansing imbudo to the max with each other ang dalawa. Ako ang tinatrabaho ni hotmorayta. Si julaki naman ang tinatrabaho ko. Pansin ko rin na me pagkamayabang si julaki. "Ngipin," angal niya habang tinatrabaho ko siya. Mayabang marahil dahil siya ang may pinakamalaking notes.

Nakatihaya kaming pareho sa kama ni hotmorayta, naghihintayan. Lugar iyon ni hotmorayta, siya ang bangka.

"Sino'ng botom?" tanong ni julaki.

"Top ako," ang mabilis na sagot ni hotmorayta.

"A-ako rin," segundo ko. Aywan ko lang kung napansin nilang medyo na-utal akiz.

"Kaw na lang," suhestiyon ko kay hotmorayta.

"Tuwad," utos ni julaki.

"Damihan mo pare ng lube," sey ni hotmorayta. Pare talaga, hakhakhak.

"Pare, ansakit. Excited ka kasi!" reklamo ni hotmorayta.

"Arte mo!" angil ng julaking mukang beking top.

"Arte pala ha. E di wag na nating ituloy to!"

Punas punas ang dalawa gamit ang tissue paper, pahid pahid ng alkohol sa kamay, sa bibig, pati sa titi.

Nagbihis na rin ako, nagpatiunang lumabas. Ayaw patalo ni julaking mukang beking top. Gusto niyang siya ang maunang lumabas. 100 meter dash itey.

"Sige mauna ka na," sey ko.

Kekembot kembot si julaking mukang beking top, tikwas ang kilay. Meanwhile, nakabuyangyang ulit si hotmorayta sa kama, pinagdedeskitahan ng galit ang tangan.











Blog EntryNov 5, '09 5:18 AM
for everyone
Hospital of the Holy Infant Jesus sa panulukan ng Lacson at Dapitan. 8pm. Bukas ang silid. Humugot muna ko ng malalim na hininga, hinahanda ang sarili sa pinsala ni Basilio. Nabungaran ko siyang nakaupo sa steel bed, nakahospital gown, yaong tipong animo'y pajama. Nakaupo naman si Emong sa kabilang kama, nagbabasa ng sci-fi novel.

"Malala ba?" bungad ni Basilio, binabasa ang aking ekpresyon. Alam ko, para akong tangang titig na titig sa kanyang mukha.

"Nabali yung cartillage," patuloy ni Basilio, nangongongo ang boses.

"Parang dinonselya ang ilong ng dambuhalang tarugo," biro ni Emong sabay hagikgik.

"Yan kasi di nagsi-seatbelt," sisi ko, titig na titig pa rin kay Basilio.

Klaro sa isip ko ang posibleng nangyari: Tutulog-tulog ang driver, bumangga ang minamaneho sa sinusundang truck nang bigla itong huminto pagka redlight. Tumilapon ang dalawang sakay.

"Kelangan daw ng reconstructive surgery, mga 140 kiyaw. Goodluck!" Si Emong.

Wala akong maiambag na pera, ni pasalubong nga wala. Nilakad ko lang ang ospital mula bahay sa Padre Noval.

"Text mo si Madam Auring, magpanoselift ka rin sa doktor niya," biro ko, kay Basilio pa rin ang tingin. Di ko matingnan si Emong. Tawanan ang lahat, kasama ang bagong bf ni Basilio at dalawang kaibigang nakalimutan ko na ang pangalan nang ipakilala sa 'kin kanina.

"Buti nga may bf ka," dagdag ko.

Katahimikan. May tumikhim. Alam ko, napatingin silang lahat kay Emong, nagtatanong ang mga mata: Yan ba ang special friend mo?

Nagpasama ako kay Emong na manigarilyo sa labas makaraan ang isang oras. Tinungo namin ang fire exist, pumanaog sa tatlong palapag ng hagdan. Sa daan pinakita niya ang tinamong gasgas sa braso't balikat.

"Papa-psychiatrist kami tom...."

"Buti nga buhay pa kayo," sagot ko.

Sa labas ng ospital habang humihithit kami ng yosi nagkuwento ang Emong na kesyo di rin sila nakagimik sa Malate, sinundo nila sa presinto ang dalawang kaibigang nahuling umiihi sa daan.

"Sana di na lang kami umalis...."

Umalingawngaw sa isip ko ang ibinulong ni Basilio nung gabi ng Miss Gay sa Midnight Shift: nagseselos siya kay Alvin

Gustong maghugas ng kamay ang binitiwan kong tingin sa kanya. "In a way, sinisisi mo ba ko?"

"Bakit naman teh?" balik niya sa tanong ko.

"A... w-wala naman. Sige teh, mauna na 'ko," paalam ko.

Sa daan pauwi, binangga ako ng di ko lubos mawari --- teh ---- teh. Parang gusto kong bawiin, beybie ang dati naming tawagan. One way street ang tinatalunton ko. Di ako kotse. Puwede akong lumiko, bumalik. Pero di puwede. Kung ang pag-ibig ay isang aksidente, naroon pa rin ang puso ko sa wreck site. Walang makakapag ahon niyon kundi ang walang pusong kriminal.

Blog EntryNov 4, '09 6:43 AM
for everyone
Sabado Night Fever. Parang nakikinita kong pilgrim na naman ang Pinoy beki sa kalye ng Orosa-Nakpil, stitching a beeline sa bukana ng O-Bar, excited makasipsip ng kulay pulot na beer o kaya'y mapait na nektar o laway ng ibang bubuyog o paruparong Malate. Pa-istaran, pabonggahan ng suot, talak dito, chika roon, sight seeing ng mga bagong mukha, kakilala o kaya nama'y stalk-wa ng exes ang moda, gaya ng bestfriend kong si Randel. Walang text si bakla na ang translation ay --- Keep out, ini-stalk-wa ko ang ex kong makati pa sa hadhad. Dalawa lang ang puwedeng puntahan ni Randel, O-Bar o Butterfly sa Morato kung saan niya nakilala ang ex. Panigurado, beki-ry rin sa Cubao. Maaaring pandesal burning on the dance floor sa P2, laplapan galore sa madilim na kasingit-singitan ng naturang bar o kaya nama'y biritan portion, nakikipag-agawan ng notes sa Starlite, ang umuusbong na bagong gay mecca ng Pinas. Malansa ang simoy ng hangin ngayong paparating na Disyembre.

11 pm. Hindi Taft ang sinakyan kong jeep kundi pa-Cubao. Na-mhin-tana ako. Routine check-up. Sa-gala ang mga beki, holdaper at kolboy mula Mini-Stop P. Noval hanggang Burger Machine sa may Lacson, hinahanap ang mythical na krus. Centurion na magtitirik ng tirik na tirik na titi ang ilan. Ang iba nama'y Silence of the Lambs na handang magpapako. Dito, tadtad ng napakong pangako ang mga poste ng ilaw na unti-unti kong binubunot kapang nadaraanan.

Bumaba ako sa may Maceda, pusod ng Kamaynilaan kung saan nakadambana ang kaisa-isang comedy bar sa mahabang kapa ng Espanya, ang Midnight Shift. Nakabuyangyang sa tarpaulin nito ang maskara ng trahedya't komedya sa buhay pag-ibig ng mga vekvek. Pagkapasok, sinalubong ako ng rainbow flag ng pederasyon, nangangako ng bahaghari pagkatapos ng ulan.

10 pm nagsimula ang programa. Punuan na sa loob. Madaming bago, mga mukhang di ko mawari kung saan lupalop nanggaling. Suwerte't bakante ang dalawang mesa sa tabi ng poste kung saan nakasabit ang rainbow flag at isang wall fan. Hindi ito ang best seat in the house. Dahil sa nakaharang na poste, hindi ko makita ang entablado kung saan kasalukuyang nagtu-talk show ala Boy and Kris sina Luisa at Migs, mga nakatokang punong abala ng palatuntunan. Agad akong nilapitan ni Andrew, isang waiter, saka pinapirma sa isang piraso ng papel. Inabutan niya ko ng tiket, 100 pesos. Midnight Shift 6th Anniversary sabi sa tiket. Mula sa cr ng babae nakita ko si Chris na nakamuk-ap na, di pa naka-dress. Kasama ito sa gaganaping Ms. Midnight Shift gay pageant ng mga beking host.


"Sino'ng kasama mo?" tanong ni Andrew.

"Ex ko," pakli ko, kinukumbinse ang sariling ex pa rin iyon kahit isang linggong pag-ibig lang ito.

Maya-maya dumating si Emong at bestfriend niyang si Basilio, kasama ang ilan nilang kaibigang kabatian at di ko pa lubos na nakakausap. Napuno ang dalawang mesa. Nagpareserve ako ng isang upuan sa kanang tabi ko.

"Sino'ng uupo diyan?" tanong ni Emong pagkaupo sa 'king kaliwa. Nagkakilala kami ni Emong sa naturang bar at dating nagde-date hanggang mapagkasunduang we're better off as friends.

"Alam mo na kung sino."

At di na siya muling nagsalita.

Datingan pa rin ang mga parokyano, isinisiksik sa mga di kakilala.

"Share a table, win a booking," narinig kong biro ni Luisa sa entablado.

Kinilig ang aking cellphone. Si Alvin. Usherette ang drama ko. Sinundo ko siya sa labas with matching smile saka inilagak sa trono. Gaya ng dati, nakauniporme siya, katatapos ng duty sa Makati Med.

Dumating si Kirara na naka-Rosalinda outfit na sinundan ni Alwynna, may bitbit na disco stick gaya ng sa MTV ni Lady Gaga. Pumanhik agad ang dalawa sa itaas kung saan nakatira si Sir Apple, may-ari ng bar.

***

At ipinakilala ang anim na kandidata makaraan ang tatlumpung minuto. Nauna si Lola Loreal, pinakamatanda at pinakamatagal sa trabaho na nag-speech muna. Binaha raw ang bahay nito sa Sta. Mesa ngunit the show must go on pa rin ang drama.

Sumunod si Luisa: "Ang nag-iisang dyosa, nabali ang pakpak, bumagsak sa bakuran ng ABS, ang nagpatibok sa puso ni Sam Milby!"

To the follow ang Kirara. "Tyra Banks, kaw ba yan?" sigaw ng isang bilat sa may likuran, si Rhoda na madalas biruing may amplifier sa ngala-ngala.

"May kasabihan po tayo," simula ni bakla, "aanhin mo ang bahay na bato kung katulong ka lang dito."

Congratulations. Palakpakan.

"Aanhin mo ang magandang sapatos kung mukha ka namang paa."

Palakpakan pa rin.

"Letse," biglang mura ni bakla, "kung di pa rin ako nanalo ngayon, isa lang ang ibig sabihin --- dinaya ako!"

Masigabong palakpakan. Standing ovation ang ilan.

Pinakapangit si Kirara sa mga host, balat ng nangingitim na hollow blocks ang mukha, di rin marunong kumanta pero winner magpatawa. Ginagawa raw niyang kudkuran ng keso ang mukha pag nagluluto ng spaghetti.

Sumunod si Alwynna, ang Beyonce at Regine ng bar: "Nagtataka ba kayo kung saan napunta ang baha ng Espanya?"

Pause for effect si bakla.

"Sinipsip po ito ng mukha ni Kirara."

"Pak yu!" resbak ni Kirara habang naka-Little Miss Philippines pose sa likuran.

Tinabig ako ni Alvin. "Sino yan? Ganda a."

"Si Alwynna, crush ni Randel."

"Siya gusto ko manalo."

"Kay Kirara ako."

"Bakit naman?"

"Kamuka mo kasi," biro ko na ang tinutukoy ay ang hugis ng kanilang mukhang may pagka Viveca Babaji.

***

Dumako sa talent portion nang umalis ng walang paalam sina Emong. Binulungan ako ng bestfriend niyang si Basilio bago tuluyang lumabas, "kaw kasi, nagseselos siya."

Naalala ko, "bumabaha ata ng alak," pansin ni Emong kanina na di ko pinansin. Naiwan kami ni Alvin sa mesa.

"Bakit daw, san sila pupunta?"

"Malate," sagot ko.

Sinukbit niya ang aking hinlilit. "Pinkie wrestling tayo," aniya. Unang pagkikita. Nagbunong braso kami sa dulong bahagi ng bar sa ilalim ng tumutulong aircon. Ilang minuto rin kaming naghilahan ng hinlilit.

"Hindi kita mahal, hindi pa kita mahal," bulong niya out of nowhere.

"Alam ko," sagot ko habang iniinda ang sakit ng hinlilit na kasalukuyan pa rin niyang binabaluktot. Sa entablado nalingunan ko si Ara-wana na kumakain ng apoy sa tugtog ng Jai-ho. Kinagat ni Alvin ang kaliwa kong balikat pagdaka, mariin.

"Tama na."

Diniinan pa niya ang kagat habang patuloy pa ring binabaluktot ang aking hinliliit.

"Tama na sabi, masakit nang masarap." Minasahe ko ng ice cube ang nasaktang daliri.

Ngumiti siya. "Pano ba yan, talunan ka na naman."

Lumalamon pa rin ng apoy si Ara-wana. Sa loob ko, gagawin talaga ni bakla ang lahat para manalo.

***

Dumako ang Q&A portion. Sina Kirara, Alwynna at Chris na lamang ang natira sa top 3.

"Kung ikaw ay isang bagyo, sino ang mas pipiliin mo, Ondoy o Pepeng?" tanong kay Chris.

Bopols ang sagot ni bakla, "Si Pepeng dahil kumpara kay Ondoy, mas kaunti ang kanyang nasalanta."

Tahimik ang audience. Sa sobrang tahimik bigla kong nakita ang sarili sa entablado, pinapanood ng maraming bakla, naghihintay ng sagot pero kay Alvin lang ang aking tingin... "Nagbabalik-tanaw ang bagyo sa lunan ng krimen, humihingi ng kapatawaran at konting pag-unawa."

May tumapik sa 'king balikat. Si JV, ang una kong nakasex sa bar at kamuntik nang maging jowa.

"Oy musta, long time-no see," bati ko. Nabasag ang hindi namin pagpapansinan sa loob halos ng dalawang taon.

Kinilig uli ang aking cellphone. Si Alvin, nagtext: Threesome natin yan! Pinakiramdaman ko ang dibdib, may namumuong sama ng panahon.

"Sumaglit lang ako," narinig kong sabi ni JV. Yun lang at tuluyan na nitong sinamahan ang Sunshine Group sa kabilang dako ng bar.

***
Tinanghal na Ms. Talent si Ara-wana, ang lumalamon ng apoy. Best in swimsuit naman si Lola Loreal, ang nag-t back sa grupo, kita ang singit sa ikli ng suot. Mapait ang ngiti ni Kirara habang inaanunsiyo ang winner ng Ms. Midnight Shift, si Chris.

Nagpaumaga kami ni Alvin hanggang closing. Kahalubilo namin kanina sa mahabang dulang ang ilang nagpaiwang panel of judges mula sa Profesional Regulatory Commission, nagdedebate kung tama ang kanilang desisyon base sa merito ng ganda at talino.

"Kiss mo ko," sabi ni Alvin na laylay na ang ulo sa mesa.

"Ser, closing time na." Si Redden, isang waiter, nakangisi ito habang nagsasalansan ng mesa't upuan.

"Tabi ka," tapik ni Alvin sa katabing monobloc.

"Ha?" maang ko.

Hinila niya ko't natabig ang dalawang bote. Hinalikan niya ko. Gumanti ako. Laplapan kami habang winawalis ni Redden sa dust pan ang mga bubog.

***

Nauna nang umuwi si Alvin. Ako ang kahuli-hulihang lumabas na kostumer. Umupo ako sa concrete barrier na natatamnan ng puno, iniisip ang huli niyang sinabi bago umuwi, "Wala ka nang babalikan" at ang pagkakaiba ng beauty contest sa larangan ng pag-ibig. Ganda, meron ako. Talino, ewan. Parang wala. Tinext ko si Alvin: Go find your own threesome. Gago!

Tatlumpung minuto, naghintay ako ng text. Wala. Meron akong babalikan. Dito ang lunan ng krimen kung saan unang nagtama ang aming mga mata. Pumasok ako para umihi, nakatungo, waring naghahanap ng basyo ng bala. Nangangako pa rin ng bahaghari ang bandera ng pederasyon. Ba't ako magpapakalunod s ambon? Walang bahaghari pagkatapos ng ambon. Wala ring bahaghari dito sa bahaing Espanya.

Pagkalabas naroon pa rin ang tarpaulin, dalawang mukha ng saya't lungkot, naghihintay ng baklang magsusuot niyon.








Blog EntryOct 13, '09 4:00 AM
for everyone

Like a messenger, they came unannounced.

Low swirls of clouds in fast forward, dark and heavy with rickety chews.

They came from mountaintops, I volunteered.

Our teacher scanned the sky, his eyes poised in flight over a roofless room.

 

Reading had to dry that afternoon.

How the yellow snail outwitted the vicious brown pilandok

was neatly pegged across a tight line,

which is the textbooks' spine.

Marcos smiled on the cover.

 

Like ducks, the teacher herded us into the open field

just in time for the first drop;

a thud, heavy as bird dropping. A few scampered,

the classmate who got it had fingers shaped into a beak. This one's male which is brown.

Yellows are female, explained the teacher who poked it with a stick.

The insect clinged, its arms spidery and wiry.

 

A moment after, a purring torrent fell on a fire tree,

dousing its flames,

leaving it bare as matchstick, which must have triggered

that series of explosion;

a crackling-filled air of falling branches. We saw them pick

the green breaths out of trees clean,

leaving them bare as limbs; brown with leech-looking scabs,

bloated and dark. Classes, of course, had to be dismissed.

The tallest boy hurried to stir the school bell.

 

When I came to the rice paddies with mother's crown-shaped basin,

hordes of itiks were already unleashed from holding pens,

hundreds of beaks siphoning the muck,

shrill quacking piercing the air thick with critters.

Laundry, meanwhile, was tumbled aside and piled atop big river rocks

like lifeless bodies, foaming with suds.

Farmers, wives were banging pans and pot bottoms.

Dogs and cats leapt,

paws like clovers bloom in open grasses.

 

Neighboring kids then appeared,

shouldering sacks, the same used for picking carabao dungs. The big excitement

got Junjun Curameng a hard on, which he made me feel before sharing his sack.

He refused to split the loot when western light poured on the valley.

Nanang promised to fry me some, he boasted.

 

The wind took them back to the mountaintops, says our teacher before resuming the fable

two days later. Marcos's teeth glint on the cover.

Behind those mountains, I imagine an unbroken shadow of seas,

deep and unforgiving but then,

I know better:

It was in those brief moments when wings deny them flight

when they climb over each other,

brown over yellow, rungs of eggs in between that something,

someone's immortality is hatched even after the inevitable death.

 

 

 

 

 

 

 

 




Blog EntryOct 12, '09 5:08 AM
for everyone
Singhap

Ang tanong moý bakit pa ako mag-aalinlangang sagipin ka, gayung kaydali lamang magpalutang ng sarili sa gitna ng tubigang hindi makayanang kumati. Paano ka pa humihiling ng sagip ngayong nakapangunyapit ka na sa lakas ng ilang patuloy na humahatak sa iyo; habang ako ay patuloy na isinasagwan ang kamay sa hinahanap na ligtas? Di ko maisip kung paano mo pang naimumungkahi ang pagpapalutang. Hindi mo marahil nadaramang matagal nang lutang ang aking sarili kasama ang bali-baling haligi, at sira-sirang kisame ng ating tahanan. At lahat kami’y inaanod...inaanod...papalayo. Hindi ako natatakot, ni hindi nababalisang baka hindi na tayo magkita sa bawat paglubog ng aking ulo sa tubig. Sa ilalim, malinaw ang aninaw kong tama ang dating ng ragasa. May ilaw sa aking ulirat sa gitna ng palahaw ng ibang kasabay na inaagos. Heto na ang sagot sa matagal ko ng dalangin ng pagtutuos. Ewan ko kung bakit walang kirot sa ganitong pagpapakalunod. Ito yata ang pinakamadaling paraan ng pagtakas, ang magpatangay sa katiyakan ng iyong paglalaho sa akin. Saka ako nanghinayang, nang maputol bigla ang agam-agam sa paghatak sa aking katawan habang may pulso pang naiwan. Kung alam lamang nilang mas sisinghap-singhap ako sa lupang babalikan

Blog EntryOct 8, '09 5:37 AM
for everyone
Nagtext siya: Umaambon ba diyan?

Nakahilata ako, nilalagnat, pero pinilit pa ring tumayo't sumilip sa labas ng bintana. Basa ang kalsada.Naka-smart siya dati. Globe na siya ngayon tulad ko pero panaka-naka pa rin kung magtext.

Binuksan ko ang inbox. Binura ko na ang number niya pero naroon pa rin ang huli niyang text kagabi na di ko masagot sagot: IT'S HARD WHEN YOU'RE JUST ABOUT TO FALL TO SOMEONE.

Napako ang tingin ko sa maliwanag na poste ng ilaw kung saan nagmimistulang gamu-gamo ang ambon. Volunteer nurse siya sa Makati Med. Sa sandaling iyon, malamang nag-aalaga pa rin siya ng maysakit.

Nireplayan ko siya: Falling is inevitable for everything must come back down to earth. How long can you stay afloat?

Nagtextback siya: umaambon nga.

Sa pagkakataong ito, may sagot ako. Di na kailangang pagnilay-nilayan pa ng matagal --- Kung lalagnatin lang pala ako sa ambon, sana itinodo mo na --- na agad ko ring binura, pinatay ang cellphone saka bumalik sa higaan.

Blog EntryOct 7, '09 2:49 AM
for everyone
Ako ang taya gaya ng dati gayong siya ang nag-aya, si Alvin, isang ex. Umabot din kami ng isang linggo.

Naka-uniporme siya, all white. May blue patch sa kanang dibdib: Makati Med. Volunteer nurse siya doon. Sa madaling salita, walang suweldo.

"Bagong sapatos mo a," puna ko pagdating niya kanina sa Mini Stop P. Noval kung saan ako naghintay.

"Gago. Nilabhan ko lang yan."

Sapatos ng nurse na mabibili sa halagang 200. Marumihan na ang damit o kaya'y slack, huwag lang iyon.

Unang pagtatagpo sa Midnight Shift. Naapakan ko sa ilalim ng mesa ang sapatos niya nang hindi sinasadya. Inabot niya ang isang pakete ng alcohol swab. Marami siya niyon sa pouch bag na parating bitbit. Doon din nakasilid ang kanyang lunch box. Kinandong ko ang kanyang paanan, pinunasan ng alcohol swab ang narumihang sapatos. Hinalikan naman niya ang suot kong loafer pagkatapos.

And the rest is history. History na umabot din ng isang linggo.

Dumating ang unang order: Dalawang bote ng bukas nang san mig light.

"Red horse na lang," sabi niya.

Pinakiusapan ko si Dane na palitan ang bote ni Alvin. Waiter doon si Dane. Bali-balitang sing and dance ito sa halagang dalawang libo. Humihingi ng pabor ang kanyang kindat. Hihiram ito ulit ng isang daan, nasaloob ko.

Wala naman talaga kaming pag-uusapan. Sinamahan ko siya kesyo dalawang linggo na siyang walang alkohol. Tamang-tama ang lugar. Pag nagsimulang mangapa ng sasabihin, abot-kamay lang ang yosi, ice bucket at baso ng alak. Pag inantok, abot tanaw ang host sa entablado na pamperya ang boses o kaya'y lyriks ng videoke.

Binuksan niya ang malaking pouch, naglabas ng guwantes saka itinali sa kaliwa kong pulso. Malakas ang pitik ng aking pulso. Para na rin niyang nahawakan ang puso ko. Ilang minuto pa't nakaramdam ang braso ko ng pamamanhid. Minsan na rin akong nagpatali ng puso sa kanya. Siya ang namanhid. Hinihintay kong maglabas siya ng disposable syringe gaya ng una niyang naipangako. Itutusok niya iyon sa daanan ng IV. Gustong-gusto niya ang aking kamay, parang kamay daw kasi ng babae. Pero wala. Tinanggal din niya agad ang nakataling disposable glove.

Maya-maya naglabas siya sa pouch ng ilang chart. Doon inililista ang datos ng isang pasyente.

"Basahin mo," hamon niya.

Inisa-isa kong basahin ng malakas ang sulat niyang parang sa doktor, walang kagatol-gatol.

"Galing mo naman," palatak niya.

"Masarap ka bang magmahal ng tropa?" Sana tropa pa rin tayo, tanda kong sabi niya pagkatapos naming maghiwalay sa text.

"Kaw talaga."

"May guwapo ba sa barkada mo?"

"Bakit, ayaw mo ba sa 'kin?'

Patlang. May bikig sa 'king lalamunan, simpait ng tinutungga kong beer na noo'y wala nang yelo. Mapait ang aking ngiti. Mabuti pa ang kanyang sulat kamay, basang-basa ko.

***

"Uwi na tayo," anyaya ni Alvin.

2-11 pm ang shift niya kanina. May-aalas kuwatro na ng madaling araw. Nauna nang umuwi si Randel na sumaglit kanina. Galing ang bakla sa lamay. Namatay ang asawa ng isang kaibigan.

Maya-maya may nagtext. Si Randel. Nasa O-bar Malate raw siya. Pumupunta siya doon ng mag-isa para magmunimuni sa gitna ng dance floor.

"Tinulugan niya ako, kaka-offend," bulong ko sa kanya kaninang pagdating niya't mabungaran si Alvin na tulog sa mesa. Nakikituloy si Alvin sa isang tiyahin sa Maceda. Gusto kong isipin na handa siyang magpuyat makita lang ako pero iba ang sinasabi ng mga nangagkalat na basyo sa mesa.

"Hatid na kita sa inyo. 4:30 pa magigising tita ko."

"Wag na," tanggi ko.

Pagkabayad ng bill, agad kong pinara ang isang jeep na nabungaran pagkalabas ng bar. Mula sa bintana ng jeep, nasilip ko si Alvin na naglalakad pa-Morayta. Lagpas na ito ng Maceda kung saan siya dapat kumanan.

Pumara ako pagkatapat ng jeep sa Vicente Cruz. Bumaba ako, naglakad pabalik, pasalubong kay Alvin. Humigit kumulang sampong metro ang pagitan namin.

"O ba't ka bumaba?" tanong niya pagkalapit ko sa kanya.

Hindi ko rin alam. Wala akong maisagot.

"Ihahatid talaga kita, kala mo. Kahit iniwan mo ako, " paninisi niya.

Gusto kong ipagduldulang siya ang nang-iwan, hindi ako, pero nanatiling tikom ang aking bibig. At tinalunton namin ang kahabaan ng Espana. Walang nagsasalita. Nakatungo ako sa paglalakad sa bigat ng iniisip, pilit ko siyang binabasa. Alam ko, basang-basa niya ang baraha ko, may kulang. Nasa bulsa niya ang king of hearts.





Blog EntrySep 23, '09 5:32 AM
for everyone
Biyernes ng gabi. Alam niyang gagala ako. Nagtext siya pagkaraan ng isang linggong di pagpaparamdam. Uuwi raw siya ng Laguna.

Meet tayo mamya, reply ko.

"Sige pero sandali lang."

Maya maya, nagtext siya uli gamit ang ibang numero, nakikisuyong bilhan ko siya ng umiilaw na lollipop, sampung piraso. Ipapanalubong daw niya sa kanyang mga pamangkin.

Sorry, sagot ko. Nung oras na, wala nang nagtitinda.

Di ako mapakali. Di ko siya matiis. Dagli akong lumabas ng bahay, naglakad patungong Morayta, nagbabakasakaling meron pang nagtitinda niyon.

Sa daan nagtext siya uli: Wag na lang kaya tayo magkita, baka ipabugbog mo pa 'ko.

Ako mismo uupak sa 'yo pag may nakita akong lollipop, sagot ko.

***


2:30 am. Dumating siya. 3:30 ang biyahe niya pa-Laguna. Agad siyang naghanap ng lollipop, parang bata. Inabot ko sa kanya ang supot. Dumekwat siya ng isa, binuksan saka isinubo.

"Di umiilaw," reklamo niya habang minamasdan ang tangkay ng lollipop sa bibig ni Ann Taba, parokyano rin ng bar na noo'y nakaupo sa kabilang mesa. Umiilaw ang sa kanya.

"Sorry, peke ata nabili ko," sagot ko, may diin ang bawat bigkas.

"Beer pa?" untag ko nang mapansing wala nang laman ang sa kanya, umaasang baka madaan ang lahat sa maboteng usapan. Umiling siya saka tinapik-tapik ang relo sa braso.

"Sigurado kang ayaw mo na?" umpisa ko na ang tinutukoy ay ang rason ng paghihiwalay namin na kesyo di pa raw siya handang makipagrelasyon sa kapwa lalaki.

"No comment."

Nagbitiw ako ng ikatlong sorry pero sa loob, ako na nga tong napeke, ako pang magsosorry?

Blog EntrySep 21, '09 2:21 AM
for everyone
Pauwi, kakapanaog ng Morayta overpass nang muli siyang magtext, ba't mo iniwan brip mo? May suot ako. Mararamdaman mo mismo kung may suot ka o wala. Naka slack pants ako, sakto lang ang kapit sa beywang kaya walang belt. Inangat ko ng bahagya ang laylayan ng shirt, blue ang nasilip ko. Itim, gilded red ang suot ko pagpunta sa inuupahan niyang kuwarto sa isang dormitoryo sa Morayta. Sa mga pagkakataong ganito, sinisiguro kong parating maganda't bagong laba ang isinusuot na brip. Di rin ako nakakalimot na maghugas ng bigas gamit ang PH Care ng kapatid kong babae. Matagpuan man akong naliligo sa sariling berdeng dugo kinabukasan, at least presentable ang suot kong brip. Bakla ako, buti na lang. Babae ang kadalasa'y hinahalay at pinapatay sa sarili nitong bahay. Di ko lugar ang pupuntahan ko. Sino ba naman ang may gustong magkalat sa sariling tahanan?

Para siyang ulan kong magtext, panaka-naka't di inaasahan. Parang macro na copy paste ang parati niyang inaanunsiyo: Phillip, 26, Morayta, medbuilt, mestizo, gifted dick. Iisa lang ang parati kong tugon, pano mo nakuha number ko? Naisip kong marahil siya yung tipong nakukuha ang gusto dahil tiwala sa itsura.

At hindi nga ako nagkamali. Para akong Jollibee delivery na pinuntahan ang itinext niyang address. Saglit akong naghintay sa labas hanggang sa pumanaog siya sa hagdan. Binuksan niya ang tarangkahan saka ikiniling ang ulo. Tumango ako. Lugar niya iyon kaya tumango rin ako sa panuto ng laro.

Bituka marahil ng kabahayan ang pinasukan naming silid. Madilim.

"Gusto ko may ilaw," bulong ko.

"Huwag," sagot niya.

Tumatagas sa manipis na dingding ang ingay ng telebisyon mula sa kabilang silid. Dinig din ang huntahan ng mahihinuha kong mga bakla. Para akong magnanakaw ng panaginip, napapabalikwas sa bawat yabag at kaluskos. Ilang sandali'y maaaring dumating ang kanyang kasambahay.

***

Sumisitsit ang tikbalang: Huwag manatili kung naisakatuparan na ang pakay. Huwag magpasalamat, baka masamain pa ito.

Binuksan niya ng bahagya ang pinto saka sumilip. Mula sa siwang, nasilip kong bukas ang kabilang silid. Umpukan ang ilang bakla sa harap ng telebisyon, naglalaro ng baraha.

"May tao pa sa labas. Dito ka na lang dumaan," sabi niya saka binuksan ang katabing silid kung saan kasalukuyang walang tao. May isa pang pinto ang silid na iyon, tanaw ang eskinitang pinasukan ko kanina. Akala ko'y bababa ako ng fire exit, balumbon ang iniingatan niyang lihim pero may corridor sa kaliwa, karugtong ang kabilang gusali. Tinatunton ko iyon hanggang makita ang isang hagdan pababa.

Pababa ako ng hagdan nang matisod ng alaala: isang guwapong tsinito sa Buendia, pandak pero pareho ring may kalakian ang hinaharap at ang pakisuyo niyang itapon sa labas ang isang supot ng nangangamoy nang basura.

***

May suot akong brief. Tandang tanda ko dahil sa bilis ng mga pangyayari, iyon lang marahil ang maaari kong pabagalin, ang pagsusuot niyon. Muling pagkabuhay ang paghuhubad nito, kamatayan naman ang muling pagsusuot nito. Namatay ako ng mga sandaling iyon at tulad sa pelikula, nagflash ang aking buhay. Blangko ang rolyo. Wala akong nakita. Parang gusto kong maiyak. Sa susunod, ako naman ang bangkero, ang magtatakda ng panuto. Sa madaling salita, palitan ng papel.

Agad ko siyang nireplayan: Nagkapalit ata tayo. Dilim kasi.

Sumagot siya: Lagot, sa room mate ko ata yan.

Blog EntrySep 15, '09 5:17 AM
for everyone
Golden shower, what else to call it, a cloudless sunny rain,
prime suspect. Inang blames it for nits she picks on my head
with fingers shaped into a hen's sharp beak

and sown on the primer, my handwriting, a brow-knitting scrawl.
Sick of studying, I drum my fingers on the veranda railing

like rain pellets to the rhythm of her clucking: Don't you dare
barok. Everything it touches turns to gold.

In the open field closed to boys the color of nits, I spot
my neighbors chasing a rainbow pulled by the weight
of a thousand golden dragonflies,

their naked pubescence still a dark leathery carabao skin.

I want the untimely ripening of guavas and kainitos. I want
to unburden their boughs from hearsay and take the brunt:
Hinog sa araw, anak araw.

Many years later those nits of a stubborn innocence hatched
into a life like an upturned face, awaiting remission

from a dark phallus masquerading a front, its sheen
golden as shit. Its uprightness always an accusing finger,
pointing the blame back at me.


Blog EntrySep 8, '09 3:58 AM
for everyone

Alas kuwatro ng umaga'y
Kandahingal ako, minamasahe
Ang kalakian ng jowa gamit ang bibig.

Alas kuwatro, umaga ring iyo'y
Sumalpok ang iyong sasakyan
Sa isang poste sa Commonwealth

At tumilapon ang iyong huling hininga

Alas otso, umaga ring iyon,
Pagkatanggap ng balita'y
May mapait na bikig sa 'king lalamunan.

May mga bagay na mahirap lunukin
Gaya na lamang ng iyong kamatayan.

*Sa mga kakilala't kaibigan ni Mark Bagain Schwab sa LIRA, inaanyayahan din ang lahat na mag-alay ng kani-kanilang tula. Naalala ko lang ang tulang Kainin Mo Na Ako, may pagkanaughty rin pala ang lolo niyo. Nawa'y pagdamutan mo ito Mark. Salamat muli at paalam.


Blog EntrySep 1, '09 3:01 AM
for everyone
Sandali
Louie Jon Sanchez

Sumampa tayo sa escalator patungo sa restawran,
Magkatabi, pinag-uusapan ang nakapupunding
Mga gawain sa trabaho, ang mga kailangang tupdin
Sa darating na linggo. Ito’y tamang-tamang sandali:
Ikaw sa tabi ko, halos walang tigil sa pagkukuwento
Kung papaanong hindi nagtutugma ang mga numero
Sa mga binabalanseng pormularyo, habang ako,
Walang kagatul-gatol sa pakikinig sa mga litanya mo.
Lumalapat ang balat ng iyong kamao sa aking kuyom
Na kamao at biglang-biglang sumisigid sa sentido
Na hawakan ang kamay mo. Ngunit natitigilan ako.
Sa paligid, isang huni ng isang nagmamaktol na sanggol,
Ang tawanan ng paroo’t paritong babae at lalaki,
Ang musika ng tumutugtog na biyolin na humaharana
Sa magsing-irog na pinagliliwanag ang mga mukha
Ng dila ng kandila. Sa dulo ng hagdan, nakaabang
Ang restawran, ang waiter na nagbubukas ng pinto
At bumabati. Agad kang nag-ayos ng iyong kurbata,
Muli ko namang tiningnan ang butones na natanggal
Sa aking polo kanina. Ang Sandali—sandali lamang talaga.

Blog EntryAug 18, '09 4:27 AM
for everyone
dahil nothing is sadder thang going home drunk and without a buking

Closing time

semisonic

Open all the doors and let you out into the world
Closing time
Turn all of the lights on over every boy and every girl
Closing time
One last call for alcohol so finish your whiskey or beer
Closing time
You don't have to go home but you can't stay here

I know who I want to take me home
I know who I want to take me home
I know who I want to take me home

Closing time
Time for you to go out to the places you will be from
Closing time
This room won't be open till your brothers or your sisters come
So gather up your jackets, move it to the exits
I hope you have found a friend
Closing time
Every new beginning comes from some other beginning's end

I know who I want to take me home
I know who I want to take me home
I know who I want to take me home
Take me home

Blog EntryAug 14, '09 2:46 AM
for everyone
Binuksan ko ang tv. Inilipat ang channel sa PBO. Isang belyas ang nasa screen, nakatutok ang kamera sa labing bahagyang nakabuka. Mamasa-masa ito't sing pula ng suot na bra't panty.

Mula sa gilid, lumitaw na parang bula ang bidang lalaki, may hawak na pansaplot. Pula rin ito, maaaring table cloth; maliit na detalyeng di na binusisi ng bobong direktor. Kung ako ang lalaking iyon, tatalukbungan ko ng sako ang bilat. Tawa ako ng tawa sa kinahihigaang sofa.

Gasgas ang eksena, predictable ang kasunod. Magpupumiglas ang babae sa matipunong bisig ng lalaki, parang batang ayaw madamitan. Papanhik ng entablado ang mga bouncer para kaladkarin palabas ang lalaking di invited sa show. Manlalaban siyempre ang huli, magkakapalitan ng suntukan o kaya'y putok ng baril. Mabubugbog ang bida, iiyak, magsisigaw ang babae pero kadalasan sa hindi, siya ang magwawagi, lalo na kung FPJ film ito.

At bigla, naalala ko ang private message sa Friendster ng isang ex na pakantot ngayon sa mga Arabo sa Kuwait. Pokpok ang subject head. Predictable ang nilalaman pero binuksan ko pa rin: MALANDI!

Tulad ng belyas, halos kita ang aking kaluluwa sa kapokpokan. Walang lalaking handang makipagbasagan ng mukha para takpan ang aking kahubdan, wala, ni sako'y wala.

Masuwerte ang mga belyas sa pelikula.

Blog EntryAug 12, '09 2:33 AM
for everyone
Alas singko ng umaga, kararating ng apartment galing MS.

"You want to shine? Burn!" Ang huling text ni Randel.

I'm shining on all because of you, reply ko.

Baka isipin ni bakla incest itu ng magsisters. Gusto na akong ikama ng antok at nainom na tatlong bote ng pulang kabayo. Di ko na nasuhayan ang cryptic kong text. Nakapikit ako sa sarap ng pagkakahilata nang muling tumunog ang cellphone. Binuksan ko ang inbox. Si George: Lam mo bang pinalayas ako sa 'min? Creepy. Di ko mawari kung nagtatanong, naninisi o nanlilimos ng simpatiya.

Sumagot ako: Weh? Message not sent. Zero balance na pala ako.

Cheerleader ng Arellano ang George, minsang nasabihan ko ng I Love You habang patayo niya akong binabayo samantalang may I wrap ang aking legs sa kanyang waist na parang baby tsonggo.

Sumunod siya nang malamang nasa Midnight Shift Ako kahit nakauwi na ng Fairview kung saan nakikituloy siya sa isang tiyahin at dis-oras na ng gabi. Naalala ko, 25 na siya at di pa tapos ng college.

Lumabas ako para magpaload, saktong trenta ang natira kong anda sa inuman. Sa daan nag-iisip ako ng maaaring sabihin kay George. Natanggap ko ang load pero nanatiling blangko ang screen. Wala akong masabi.

Sa kabila ng nangyaring palitan ng pawis, laway at alat, di ko masusuklian ang ginawa niyang simpleng pagbabahagi ng pribadong buhay. Ipagkatiwala mo man minsan ang pinakamabantot na lihim, kahit sa estranghero, kailanma'y di titigil ang mundo para makiamoy.

Blog EntryAug 10, '09 1:23 AM
for everyone
I know who I want to take me home
--- Closing Time

Kasama ko si George at ang kanyang mga kaibigan sa Arellano. Dito rin kami nagkakilala kagabi. Tulad ng dati, maingay ang lugar. Nagtakip siya ng tainga, marahil mas naingayan sa biglaan kong pagtahimik pagdating ni JV liit na umupo sa kaliwang bahagi ng entablado. Apat na dipa ang pagitan ng aming mga mesa.

"Ano'ng problema?"

Palihim kong inginuso si JV.

"Yung nakacheckered polo?"

Tumango ako. Yun lang at binakuran niya ako ng halik. May mga nakakita, kasama si JV na nahuli kong biglang nag-iwas ng tingin. Maya-maya, inagawan kami ng eksena ng dalawang lalaking nag-aaway. All-black ang nakaumang ng suntok, nakayellow shirt naman ang kasunod, pakikidalamhati marahi kay Cory.

"Malandi ka kasi!" Duro ng naka-itim sa jowa nitong tahimik na umaawat.

Natahimik ang lahat, pati ang dalawang comedy bar hosts na kanina pa nagdadautan. Nilapitan ako sa mesa ng tsismosang serbidora, si Ate Natty. Nahuli raw ng naka-itim ang jowang nakikipag troika sa cr.

"Magdedeny ka pa! Nakababa kaya'ng brip nung pangit na nakayellow!" Tungayaw ng naka-itim. Umani iyon ng palakpakan.

Tahimik lang ako, dinuduro, binubulyawan ng isang di matahimik na alaala: Ako at si JV sa tabi ng isang tulog na pulubi, natatakpan ng dilim, sa steps ng isang bangko, katabi ng 24 hours na During's, kaharap ang inaantok pang Espana, naghahalikan.

Blog EntryAug 6, '09 2:26 AM
for everyone
Nalalambungan ng malaking payong ang Russel nang abutan ko siya sa harap ng Immigration building. How thoughtful. Yun ang unang sumagi sa isip ko. Naka all-black ang lolo. Since black and yellow ang color of the night, wa nang effort effort, importante'y naka-loafers aketch, malambot sa paa. Mahaba-haba rin ang gagawin naming alay-lakad.

"O, kala ko ba magyeyellow ka?" bungad niya.

"Kala ko magtitina ka ng yellow hair," buwelta ko nang mapansing di naka-cap ang hitad. Sa halos gabi-gabing ginawa ng Diyos na magkasama kaming lumalandi sa Midnight Shift Comedy Bar, parati siyang naka-cap para maitago ang napapanot na bumbunan. Sa edad na trenta, hotness pa rin ang lolo kahit siya lang ang umuupo sa monoblock na may suporta sa likod.

"Bulbol ko ang kulay yellow."

"Pakita mo mamya, baka ma-televise. Ba't di mo kasama si Jose?" tanong ko na ang tinutukoy ay ang Espanyol niyang jowa for 8 years. Huli na nang mapansin kong nakaismid sa kanyang likuran si John, chubs-effem na manliligaw niya for six years.

Sa Jones bridge daw ang dulo ng pila. Parang wit ko bet umatak doon na walang kakilala. Nagsindi ako ng yosi, pasimpleng sumingit.

Yellow ladies ang moda ng mga ale sa 'ming likuran, ang isa'y sinliit, sintikas at kamukha ni arnivorous. Ngumiti siya, paraan niya ng pagsasabing okay lang.

"Akin na ho munang payong," ani Russel nang tumila ang mahinang bugso ng ulan. Folded ang inabot ni arnivorous-lukalike, kulay black. Buti na lang iyon ang ipinahiram ni Russel, hindi yung malaki. Nagmukha sanang Penguin in yellow dress si arnivorous.

Well-represented ang Badessalandia ng gabing yaon, bekiry kung bekiry itu! Ka-hilera namin ang iba pang beki sa unahan. In pernez, behaved sila, taimtim ang pagsasagala. Ako lang ata ang maingay na beki. Kebs! Magugulantang sila for sure sa niluluto kong eksena. Kunwari'y maninikip ang aking dibdib, hihimatayin sa ibabaw mismo ng casket ni Tita Cory.

"Asan na raw si Randel?" untag ni Russell nang mapansing nakangising aso aketch.

"Letse siya! 11 PM ang call time. Isang oras na siyang late," pagtataray ko. Late ako ng trenta minuto. Si Randel ang inaasahang magdadala ng camera. Gagawa kami ng mini-documentary na plano sana naming i-upload sa U-Tube. Naglabas ako ng scratch pad saka bolpen, kunwari'y reporter. Tamang-tama dahil naka vest aketch. Wiz akong maisulat.

"Me celebrity sighting na ba?" tanong ko.

"As if pipila ang mga iyon no," sabat ni John sa tonong tila nagmamaldita. Jelly ang lola. Naikuwento na kaya ni Russel na may nangyari sa 'min?

Bituka ng Maynila ang Cathedral, mahaba't likaw-likaw na isaw ang pila. Kumalas sa pila ang Russel nang maraanan namin sa tabi ng Starbucks, harap ng lumang Central Bank, ang isang van na bukas ang likuran. Doo'y naka-display ang mga panindang souvenir yellow shirts na may print ng mukha ni Tita Cory sa harap. Bibili raw ang utaw. Naiwan kami ni John sa pila. Di ko bet chumika Dora sa kanya. Minabuti kong manahimik muna, magmuni-muni kung bakit ako naroon.

Minsan lang mamatay ang isang Cory Aquino, sey ko kay Randel sa Midnight Shift, linggo ng gabi, habang umaawit ng Minsan Lang Kita Iibigin ang isang beki sa stage. Narinig kong sumang-ayon ang closing lines ng kanta: Dahil ang minsan ay magpakailanman.

Nakilala ang Tarlac dahil sa mga Cojuangco at Aquino. Namatay si Michael Jackson, keber ang moda ko. Binaboy namin ni Randel ang "Man in the Mirror" sa Midnight Shift. May matching dance number pa kami as if nasa O-Bar, beki bar sa Malate, lang kami. Sumunod ang tito ko sa father's side, di ako umuwi ng Tarlac.

Yellow was the color of the rain, shout-out ni Carla, ex-gf ni Randel, sa Facebook. Gusto kong lumuha ng dilaw. Mapapansin iyon ni John. Mapapatili ang bakla. Gagawa iyon ng kilapsaw. Dudumugin ako ng mga reporter, mapapanood ako ng live sa telebisyon, ihaharap sa naiwang pamilya ni Tita Cory. Akmang dadaluhungin ako ng yakap ni Kris Aquino ngunit si Fafa James ang aking yayakapin ng bonggang bongga. Idedeklara itong himala ng Simbahang Katoliko, gagawing santa si Tita Cory. Magkikibit ng balikat ang ilan: "Naku, baka may hepa lang ang baklang iyan."

Nabitin ang aking pagmumuni-muni dahil sa isang sigaw: "Sa mga inaantok diyan, magbasa-basa muna kayo. Balita, sariwang-sariwa!" anang binatilyong naglalako ng tabloid. Inisnob ang beauty niya. Sa ganitong bihirang pagkakataon, masarap isiping galante ang Pinoy ngunit nirolyong diyaryo ang reyalidad, ipinambabatok sa taong lasing sa pananaginip ng gising sa pansitan. At bigla kong naalala ang ginang sa kanto ng P. Noval kung saan ako nag-abang ng jeep pa-Intramuros. Humihingi ito ng konting tulong gayong malayo sa kanyang hilatsa ang isang tipikal na pulubi. Nakasuot ito ng blusa, black skirt na hanggang tuhod at sandalyas. Pasensiya na raw at kunulang ang pambili niya ng gamot. Inabot kong lahat ng natitirang barya, bente singko mahigit.

"Pipila po ako sana sa Cathedral," pagbabahagi ko.

"Sumali ako nun sa Edsa 1." Lumiwanag ang kanyang mukha na agad ding pinawi ng sumunod na saloobin, "Buti ka nga't may panahong pumunta sa Cathedral."

(to be continued)


--------------------

Blog EntryJul 31, '09 5:44 AM
for everyone

Parang bote ang pinto, natutungkab ang stickered wall paper nito; kinukutkot ko kapag walang bagong mukha sa loob o kaya'y walang bagong materyal na maibenta ang stand-up comedian.

Sisilip muna ako kung naroon ka na, sisilip kung may mukhang nakasex, tulad ni JV liit, mga crushness na kinarer at kinakarer.

Kapag di kita nakita sa bukana, hihilahin ko ang pinto. Magsusuklay muna gamit ang kamay, papasok. Gaya ng dati, nakapuwesto ka sa ilalim ng wall-fan, humihithit ng Winston lights. Uupo ako, dedekwat ng isa sa kaha mo, magsisindi saka igagala ang mga mata. At tulad ng dati, mabagal ang gabi. Pare-pareho pa rin ang kinakanta ng mga bakla. As usual, Porkchop-duo sina Ann at JV Laki, mga miyembro ng Sunshine Group na madalas nating taasan ng kilay. Mag-iisip ako ng bagong talinghaga para kay Ann. Bubuntot ang aking wittiness sa mabagal na gabi, uulitin ko ang dating daut: Para siyang wedding cake, four-tiered ang bilbil.

Buntong-hininga nati'y usok ng yosi. Madaragdagan ang bunton ng abo sa ashtray. Bakit tayo narito? Sino ang mga taong ito? Gaydar, oo, meron tayo pero walang sixth sense. Mabuti pang makakita ng mga taong patay.

Hahantong ang kalagitnaan ng lamay, walang bagong tanong. Tahimik ang ating pagtangis sa gitna ng usok, alak, ingay. Dilim. Walang ibang nakaririnig, makaririnig. Dadamayan natin ang isa't isa, muling tatangisan ang naaagnas nang mga dahilan, mga dapat ay malaon nang nailibing.

Dito sa mundo ng dilim kung saan mahirap mangapa, mamingwit ng pag-ibig, una kong nakita, lubos na namukhaan ang isang tunay na kaibigan.

Walang bago. Mabagal ang gabi. Sa lahat ng ito, bumibilis ang ating pagkakakilanlan.

   
harrypotah wrote on Jul 22, '09
hi i like u (niceboy1983@hotmail.com
haba ng hair hehe.
abdulhamied wrote on Jul 22, '09
hi i like u (niceboy1983@hotmail.com
harrypotah wrote on Jun 27, '09
uu, humabol ako. di na kita nakita. nauna na raw kayo umuwi ni eric. sayang, di ko nasilayan kakisigan mo
jctco wrote on Jun 27, '09
Harry, di na tayo nagkita sa CCP a. Pero nagkita pa kami nila Colleen at Marco. Nakahabol ka nga ba? Tagal mo e! :)
incognito00 wrote on Jun 6, '09
bet ko ang bagong bihis ng site mo sis..malinis..i likey!
jctco wrote on Jun 6, '09
:)
harrypotah wrote on Jun 6, '09
bawal ang straight sa site ko. ahaha. jowks.

thanks fafa jerome.
jctco wrote on Jun 6, '09
Nakakatawa ang site mo. :) kita-kita sa bigayan ng workshop T-shirt!
harrypotah wrote on Mar 29, '09
hinde, nagmotmot lang kami ni malfoy sa sogo, kalentong branch. ahaha.
ppruel wrote on Mar 28, '09
harry nagtanan ka naba? May kasama kana hehehe.
akosiays wrote on Mar 9, '09
hahaha... hilig talaga. hahaha open ka ym.
harrypotah wrote on Mar 9, '09
ah uu, nagchecheck ung vid updates ng mga contacts kong nagpopost ng m2ms.
akosiays wrote on Mar 9, '09
aba, online si kolokoy! hehehe
akosiays wrote on Mar 6, '09
kumusta naman tayo?
akosiays wrote on Feb 26, '09
bakit naman tampo? kanino?
harrypotah wrote on Feb 26, '09
hmp. tampo ako
akosiays wrote on Feb 25, '09
aba! online ah! hahaha
thegreatamow wrote on Feb 18, '09
ganun?? ok.

hahha
Pages:123456789